Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1K manok nilimas sa Pangasinan farm

0 42

Iniimbestigahan na ng pulisya ang limang person of interest (POI) na inuugnay sa nangyaring pagkawala ng halos isang libong manok sa isang farm sa Barangay Lapaz sa Villasis, Pangasinan kamakalawa.

Sa isang panayam kay Pangasinan Police Provincial Office information officer, Maj. Arturo Melchor II, sinabi niyang mga dating empleyado ng farm ang mga POI pero hindi pa kinokonsiderang mga suspek.

Natuklasan umano ng farm ang pagkawala ng nasabing bilang ng manok dahil sa nakabukas na gate sa isang chicken housing nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na nagkakahalaga ng humigit kumulang na P500,000 ang mga nawalang manok.

Pag-aaralan na rin umano ang kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang salarin. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.