Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1K OFW natengga sa Dubai travel ban

0 189

Mahigit 1,000 overseas Filipino worker (OFW) ang nananatiling stranded sa Dubai dahil sa mga kanselasyon ng biyahe na ipinatupad ng Pilipinas bilang bahagi ng mga hakbang laban sa COVID-19.

Ayon kay Consul General Paul Raymund Cortes, mahigit 1,000 pa ang backlog sa pagpapauwi dahil sa paghihigpit ng Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga naipit na OFW ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Philippine Consulate General sa Dubai.

Una nang kinansela ang mga flight noong Mayo at pinalawig pa hanggang Hunyo 30. Sa ngayon, sabi ni Cortez, ay wala pang partikular na petsa kung kailan puwedeng makaalis sa Dubai ang mga OFW.(Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.