Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1K pamilya naabo bahay sa Port Area

0 210

Umabot sa 1,000 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos na magkasunog ang isang residential area sa likod ng Philippine Red Cross (PRC) matapos sumiklab ang isang sunog kahapon ng hapon sa Port Area, Maynila.

Ayon sa report ng Manila Bureau of Fire Protection(BFP) nagsimula ang sunog, alas-5:45 ng hapon na umabot sa ikatlong alarma bago idineklarang fire control, alas-7:44 ng kagabi.

Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Hadji Us­man na nasa 11th St. corner Railroad St., Port Area, Maynila.

Hindi naman inabot ng apoy ang tanggapan ng PRC dahil may isang kalsadang pagitan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na isang makapal na usok ang nakita bago tuluyang nag-apoy ang mga kabahayan na yari sa mga light materials.

Wala naman iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Inaalam rin ng arson ang sanhi ng sunog kung may kinalaman sa jumper ng kuryente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.