Abante Tonite Interactive

1K sa 20 winner nilaan nina Odeng, Pasong

193

Sigurado ang 150 entry sa Fastest Win One-Cock Ulutan ngayon sa air-conditioned Las Piñas Coliseum kaya maagang sisimulan ang siyapolan sa alas-nuwebe ng umaga.

Naglaan ang mga host na sina Odeng Jaraba at Pasong Buaya Imus ng P1,000 para sa unang 20 mananalo. Nakataya Taya rito ang P50,000 habang P550 ang entry fee.

Bandang alas-dos nang hapon ang semifinals ng Pitmasters Live kung saan nakalinya naman ang 90 sultada.

Habang sa March 11 ang Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby ni businesswoman Budjit Aguilar na may P5,500 entry fee at P4,400 ang minimum bet.

Makakakuha pa ng ibang detalye kay Grace 1 sa 8873-1040 at 0929-1800-960, Grace 2 sa 0939-1376-455, o Julius sa 0915-3582-076. (Enjel Manato)