Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lacson kay De Villa: PhilHealth scam ituga na

0 411

Umaasa si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na magsasalita na hinggil sa kanyang mga nalalaman sa korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang senior vice president nitong si Augustus de Villa na nagbitiw sa kanyang puwesto.

Si De Villa ay isa sa mga opisyal ng PhilHealth na ginisa ng mga senador sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole noong Martes sa diumano’y mga anomalya sa ahensya.

Nabatid na nagbitiw na si De Villa sa PhilHealth nitong Huwebes.

Nang hingan ng reaksyon si Lacson hinggil dito, sinabi ng senador na umaasa siyang magiging bahagi si De Villa ng adbokasiya ng isang grupo sa PhilHealth sa pagbubunyag ng mga tiwaling opisyal sa ahensiya.

“That said, resigned or not, the chair of the committee of the whole, SP Sotto has already issued a subpoena duces tecum and therefore, Gen de Villa is under a legal order to present it to the Committee in the next hearing,” sabi ni Lacson.

Sa pagdinig ng Senado noong Martes, napuna umano ni Lacson ang galaw ni De Villa na naging maingat sa pagsagot sa mga simpleng tanong ng mga senador.

Gayunpaman, hinangaan ni Lacson si De Villa sa pagiging ‘honest’ nito nang itama ang kanyang pahayag tungkol sa pagbili ng overpriced na network switches.

“I particularly took note and even admired his honesty in correcting my remark that I had information that he tore the pages of the resolution awarding a grossly overpriced procurement of 15 network switches from 62k to 320k, even voluntarily admitted that he still keeps the document in his possession,” sambit pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.