Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Lotto binalik sa mga lugar na GCQ, MGCQ

0 273

Balik na ang operasyon ng lotto simula ngayong Biyernes, Agosto 7, sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

“Effective August 7, 2020, the draws and selling of tickets of lotto jackpot bearing games, Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 and Ultra Lotto 6/58 shall resume in areas under General Community Quarantine (GCQ) and Modified General Community Quarantine (MGCQ),” base sa public advisory ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Huwebes ng hapon.

Nabatid na ang selling period ng mga lotto ticket ay mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-otso ng gabi habang ang pagbola ay isasagawa naman ng alas-nuwebe ng gabi.

Nilinaw din ni PCSO General Manager Royina Garma na suspindido pa rin lahat ng PCSO game sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at enhanced community quarantine (ECQ). Hindi pa rin ibinabalik ng PCSO ang operasyon ng small town lottery (STL).(Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.