Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M AstraZeneca ibibigay ng Japan sa PH

0 125

Nakatakdang mag-donate ang Japanese government nang may isang milyon doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine bilang tulong sa pag-abot ng Pilipinas ng herd immunity.

Ito ang kinumpirma ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko sa kanyang tweet kung saan nakatakdang dumating ang mga bakuna sa Maynila sa Hulyo 8.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“One step closer to the Philippines’ goal of herd immunity? Count us in! One million doses of AstraZeneca vaccines from Japan are expected to arrive in Manila tentatively on July 8. We are working double time so this donation reaches the Philippine shores without delay. Stay tuned!”

Bukod sa Pilipinas, magpapadala rin ang Japan ng dalawang milyong doses sa Taiwan at Vietnam, habang tig-iisang milyong doses naman sa Thailand, Malaysia at Indonesia. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.