Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M COVID case isinisi sa kapalpakan ng IATF

0 221

Panahon na umano para palitan ang mga namumuno sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ganundin sa National Task Force Against COVID-19 matapos na pumalo sa 1 milyon ang naitalang kaso kaso nito sa bansa.

“Ngayon, higit isang milyon na ang mga dahilan kung bakit kailangan nang palitan ang mga namamahala ng IATF-NTF. Hindi tayo dapat umabot sa ganito,” pahayag ni Senadora Risa Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, sapul nang mabuo ang task force, hindi naman naging maayos ang pagtugon ng mga ito sa pandemya.

“Walang increase in testing, walang strengthening in contact tracing, at walang mass hiring of health workers,” ayon kay Hontiveros.

Sabi ni Hontiveros, kung magkakaroon pagbalasa sa IATF at NTF, dapat palitan ito ng mga mga health expert at hindi galing sa hanay ng militar.

Ganito rin ang pananaw ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate dahil matapos aniya ang isang taon ay hindi pa rin natututunan ng pamahalaan kung paano kokontrolin ang pandemya ng COVID-19.(Dindo Matining/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.