Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M COVID case namumuro bago matapos Abril

0 214

Nagbabala ang OCTA Research na posibleng sumampa sa isang milyon ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa bago pa matapos ang Abril.

Ayon sa grupo, patuloy pa rin ang pagsirit ng mga bagong kaso na naitala sa 20% ang pagtaas, kahit pa bumabagal ang hawaan sa Metro Manila dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” pahayag ng OCTA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag ng OCTA, kailangan mapababa sa 1 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila kaya kinakailangan palawigin ang ECQ.

Nakikita na umano ang pagbagal ng hawaan sa Marikina, Parañque, Navotas at Maynila ngunit nananatiling paakyat ang trend ng COVID-19 sa Mandaluyong, San Juan at Las Piñas.

Nitong Lunes, Abril 5, sumampa na sa 803,398 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng mga bagong kaso na umabot ng 8,355. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.