Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M frontliner tuturukan sa February

0 104

Inaasahang darating na sa bansa ang unang batch ng bakuna laban sa COVID-19 at unang tuturukan nito ang nasa isang milyong mga health worker at iba pang frontliner sa pandemya.

“The estimated arrival of the vaccines we have initially procured will be in February. We are prioritizing to inoculate 1 million healthcare workers and frontliners,” pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa ginanap na dry run ng vaccination facility sa Taguig City Lakeshore Complex.

Nilinaw naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang target na petsa ng pagdating ng mga bakuna ay sa unang linggo ng Pebrero.

Depende pa rin aniya sa available supply kaya kapag dumating ang inorder na bakuna ngayong Pebrero ay sisimulan nila ang pagbabauna sa kalagitnaan ng buwan o baka sa unang linggo ng Marso.

Sabi ni Galvez inaayos na nila na makabili ng 200,000 hanggang 500,000 dose ng bakuna ng AstraZeneca at Pfizer bukod pa sa 500,000 dose ng Sinovac. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.