Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M kasambahay pinasasama sa vaccine pila

0 278

Nanawagan ang isang kongresista sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na gawing prayoridad sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ang tinatayang 1.2 milyong kasambahay sa bansa.

Ayon kay Probinsyano Ako party-list Rep. Bonito Singson Jr., halos lahat ng nagtatrabaho ay kasama sa A4 priority list subalit wala sa listahan ang mga kasambahay.

“I can’t see any valid justification to exclude kasambahays in the vaccine priority list. If we want families that do not go outside their homes safe from the virus, we should also have our kasambahays inoculated the soonest possible time like all other workers tagged as essential or frontline,” sabi ni Singson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinaliwanag ni Singson na mataas ang tsansa na mahawa ng COVID-19 ang mga kasambahay dahil madalas na inuutusang lumabas ang mga ito.

Batay sa Domestic Workers Act (Republic Act 10361) dapat pangalagaan ng gobyerno at ng mga employer ang kalusugan at kapakanan ng mga kasambahay.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.