Abante Tonite Interactive

$1M nalikom ng mga BTS fan

136

tonite-annyeong-rose-garcia

Hindi kataka-takang mahal na mahal ng mga fan ang number one South Korean boy group na BTS, iba rin naman kasi talaga silang magpakita ng pagpapahalaga sa mga taga­hanga nila.

Mas dumami ang humanga sa BTS pagkatapos mapanood ang pagbibigay nila ng inspirational speech. Idinaos ito sa 73rd United Nations Ge­neral Assembly. Ang isa sa mi­yembro ng grupo na si Suga ay nagbigay ng kanyang opinyon tungkol sa mga tagahanga ng mga tulad nilang Idols.

Bumilib ito kung paano, ang mga fan nila ay nakapag-produce ng $1 million para maging posible ang “Love Myself” campaign. Sinabi nito na kung sila lang daw siguro, baka hindi pa nila ma-raise ang $1M, pero ang mga fan nila, nagawa ito. At para sa kanya, ang mga fan na ito ay talagang nakaka-accomplish at nakakagawa ng positive change sa society.

Ang campaign na ito ay bilang suporta na matigil na karahasan sa mga bata sa buong mundo.

Pero ayon kay BTS Suga, sa kabila ng mga magagandang nagagawa ng mga K-idols fan, madalas ay mga panlalait o pangmamaliit pa ang natatanggap ng mga ito. Ga­yong kung tutuusin, they’re making change in the society na hindi nagagawa ng iba.

“Honestly, we’re always doing things and talking about things, but that itself doesn’t help people all that much. I don’t think our acting alone is a big help to others. I think what’s really amazing is the fact that the people who like us and support us are ta­king up the cause in that way.”

At sabi nga niya, “They are often belittled for being idol fans. But they’re actually really extraordinary people.”

Pagbigay papuri pa niya sa mga ito, “Hones­tly, it’s not easy to do such things just because you like someone.”

Ang lahat ng ito ay inayunan din ng isa pang BTS member na si RM naman. Sabi niya rin, “Our fans are the ones who established the seven of us as spokespeople and took us all the way to the United Nations. We’re merely speaking on their behalf.”

Siyempre, natuwa ang mga “Army,” tawag sa mga BTS fan, sa mga naging pahayag ng iniidolo nilang grupo.