Abante Tonite Interactive

1M reward sa GCTA convict dead or alive

207

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang milyong pisong reward para sa sinomang makakahuli sa mga presong hindi sumuko pagkatapos ang September 19 deadline na nakalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa harap na rin ito ng ulat na halos wala pa sa kalahati mula sa humi­git-kumulang dalawang libong bilang ang sumuko sa mga awtoridad.

Ayon sa Pangulo, naibigay na niya ang deadline at nasa mga preso na ang desisyon kung susuko o mapapatay.

Nagbigay ang Presidente ng ‘dead or alive’ na direktiba subalit mas gugustuhin niyang mapatay na lang ang mga ito para hindi na gagastusan ng gobyerno sa loob ng kulungan.

“Basta ako sinabi ko I will just set the timeline, and then the P1 million price is available to those who can capture them dead or alive. But maybe dead would be a better option, I will pay you smiling. Ibalik pa yung preso makakain pa yang p***i**** yan. Gagastos pa ako.” anang Pangulo.

Idedeklarang pugante at wanted sa batas ang mga hindi susukong preso at maaari aniyang patayin ang mga ito kapag lumaban sa mga awtoridad.

(Ai­leen Taliping)