Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M Sinovac vaccine dumating

0 262

Karagdagang isang milyong dose pa ng Sinovac bakuna kontra COVID-19 ang dumating sa bansa nitong Linggo ng umaga.

Dumating ang shipment dakong alas-7:30 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport, ayon sa pahayag ng National Task Force Against COVID-19.

Kaagad namang inihatid ang mga bakuna sa PharmaServ Express cold storage facility sa Marikina City.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala ang mga Sinovac bakuna sa mga lugar na maraming kaso ng COVID-19.

Sinabi pa ni Galvez na may inaasahan pa silang darating na isang milyong dose pa ng Sinovac vaccine at 2.2 milyon naman ng Pfizer bakuna kontra COVID-19 sa Hunyo 10. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.