Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1M virus vaccine kada araw target simulan sa Nov 30

0 228

Puntirya ng pamahalaan na makapagsagawa ng mahigit isang milyong pagbakuna kontra coronavirus simula sa Nobyembre 30, ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Galvez sa `Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na upang maabot ang target na ito, kailangang pakilusin ang nasa 4,000 hanggang 5,000 vaccination site sa buong bansa para makapagbakuna ng kahit na 500 kada araw.

Ani Galvez, bago matapos ang Nobyembre ay plano ng pamahalaan na makapagturok ng 15 milyon COVID bakuna.

Para maging posible umano ang naturang plano ay dapat gamitin ang iba’t-ibang pasilidad katulad ng mga mall, unibersidad, gym at mga function hall bilang vaccination site. (Dolly Cabreza/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.