Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga estudyante may subsidy sa Bayanihan 2

0 358

Nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ang pagkakaloob ng subsidy sa mga kuwalipikadong estudyante na hindi nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Sa ilalim ng panukala ay nakapaloob ang P162 bilyong standby fund na may bisa hanggang sa Disyembre 31, 2020. Bahagi ng naturang pondo ay ang inilaang P600 milyon para sa subsidiya at allowance ng mga mga kuwalipikadong estudyante sa mga private tertiary education institution.

Gayundin ang P1 bilyon para sa karagdagang scholarship program ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA); P3 bilyon para sa blended learning ng mga state university at college; at P300 milyon para sa mga teaching at non-teaching personnel na apektado ng pandemya. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.