Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Misis inutas ng kaaway

0 358

Hindi nagawang iligtas ng isang lalaki ang kanyang misis nang harangin sila ng dalawang kalalakihan at atakehin ng saksak sa San Francisco, Quezon noong Miyerkules.

Mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawaan ang ikinasawi noon din ng biktimang si Susan Magas Regencia , 42, residente ng Brgy. Ilayang Tayuman. Sa ulat ng puliya, alas-10:00 ng gabi papauwi na sa bahay ang biktima galing sa bukid, kasama ang kanyang asawa na si Lemuel Almario nang abangan sila ng suspek na si Jodefredo Adique at isang hindi nakilalang kasama nito.

Mula sa likuran pinagsasaksak ni Adique ang biktima. Sasaklolohan sana ng mister ang ginang subalit hinabol naman ito ng saksak ng kasama ng suspek. Nang balikan ng mister ang kanyang misis ay wala na itong buhay.

Ayon sa mister ng biktima, nakaalitan umano ng kanyang misis ang suspek noong nakaraang buwan kungsaan nagbanta ito na papatayin ang ginang.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang dalawang suspek na tumakas matapos ang krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.