Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsabog sa Lebanon: 24 Pinoy na sugatan, 1 kritikal

0 283

Umabot na sa 24 ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon noong Martes ng gabi at isa rito ang nasa kritikal umanong kalagayan.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Brigido Dulay, mayroon pang isang nawawalang Pinoy na kabilang sa naunang napaulat na 12 seaman at isang kasambahay.

Samantala, kinumpirma ng opisyal na karamihan sa mga nasugatang Pinoy ay mga household service worker na pawang nasa bahay ng kanilang mga amo nang maganap ang pagsabog noong Martes ng gabi.

Mga minor injury lang naman aniya ang tinamo ng mga nasugatang overseas Filipino worker (OFW) maliban sa isa nasa kritikal ang kondisyon.

Binisita na rin ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga Pinoy seaman na nakaligtas sa pagsabog sa Beirut. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.