Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pamilya niratrat na, sinunog pa

0 353

Brutal na kamatayan ang sinapit ng limang magkakaanak matapos na pagbabarilin ang mga ito ay sinunog pa ang mga katawan sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Siocon, Zamboanga del Sur Huwebes ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Carlito Advincula Aban, 60; Aldrin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Rosalia Navales Quirit, 45. Sunog at may tama ng bala ang mga bangkay ng mga ito nang matagpuan ng pulisya sa kanilang sa Sitio Paduan, Barangay Candiz ng nabatid na bayan.

Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Elpidio Obiniana alyas ‘Balondong’, gayundin ang hindi pa kilalang mga kasamahan nito na umano’y pumatay at sumunog sa mga biktima.

Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Police Regional Office (PRO) 9, nakatawag pa sa pamamagitan ng cellphone ang isa sa nasawi na si Aldrin Aban sa kanyang kuya na si Tairon Aban hinggil sa isa-isa silang pinapatay ni Obiniana kasama ang hindi nito kilalang mga lalaki.

Agad namang humingi ng tulong sa pulisya si Tairon Aban upang respondehan ang kanyang mga kaanak sa kanilang bahay subalit huli na nang dumating ang awtoridad sa lugar dahil tupok na ang buong bahay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.