Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasampol ni Monica Herrera

0 576

Magkaklase kami ni Monica Herrera sa elementary sa Immaculate Conception Academy of Manila noong early 80s. Tahimik lang at napaka-sweet na kaibigan, laging nakayakap at nakangiti. Hindi na kami nagkabalitaan hanggang magulat na lang ako na ang dating mahiyaing bata ay isa nang artista.

Nakilala siya ng husto nang maging leading lady ni Fernando Poe, Jr. sa pelikulang Ako Ang Huhusga at Di Ka Na Sisikatan ng Araw. Leading lady rin siya ni Rene Requiestas sa Prinsipe Abante at Ang Ibong Adarna. Marami pa siyang pelikulang sikat na artista ang kasama. Pero isa lang ang nakabihag ng puso niya sa showbusiness at ito ay ang action star na si Jeric Raval.

“Hindi pa ako marunong magluto noong magkasama kami ni Jeric. Siya ang laging nagluluto. Masarap magluto kasi Kapampangan. Nanonood lang ako at nag-iimbento ng sarili kong luto,” kuwento ni Monica.

Tatlo ang naging anak nila ni Jeric – sina Joshua Erick, Jennica Mae at Janina Carly. Ang bunso nilang si Janina ay recording artist ngayon ng Viva.

Ang kanyang 26 taong gulang na anak na si Jennica ang nakamana ng galing nina Jeric at Monica sa pagluluto.

“Sa kakapanood sa akin ni Jennica, nakahiligan din niya ang pagluluto. Inimbento nya yung coffee at choco jelly. Dati dinadala lang namin ‘yan sa handaan ng pamilya. Noong natikman ng mga bisita, sabi nila, bakit hindi nyo gawing business ito?”

Nagbe-bake din si Jennica ng cakes tulad ng choco loco graham, banana cake; fudge cake at choco crinkles. Tamang tama lang ang tamis kaya’t uulit-ulitin mo talaga.

Nahinto sa pagluluto si Monica noong 2017 nang bigla siyang ma-stroke sa napakabatang edad.

“I had a stroke in 2017. It was so sudden. We chose to be quiet about it because I didn’t want people to pity me. But after almost 3 years, I think it’s about time to see old friends on Facebook kaya nagparamdam na ulit ako. I am happy and contented with my life and my family despite my condition,” ang paglalahad ni Monica.

Habang nagte-therapy, ginawang abala ni Monica ang sarili sa pamamagitan ng pagtatayo ng negosyo.

Sinet-up ni Monica ang kanilang online business na pinangalanang Quarantinda Ni Monic kamakailan lamang para doon ialok ang mga bine-bake ni Jennica. Kalaunan, may iba na rin silang itinitindang pagkain – mula sa puto hanggang sa longganiza. Mayroon ding non food items.

“Garantisadong masarap at affordable ang mga tinda namin. Ako mismo ang kumukuha ng mga orders. Masaya naman ako lalo na at marami akong nakakausap na old friends. At saka masaya rin ako sa mga apo ko kay Jennica.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.