Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping bistado Philhealth mafia

0 359

Naniniwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na “systemic” na ang korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at mayroon nang core group sa ahensya na kahit magpalit ng liderato ay hindi na talaga kayang galawin.

“Systemic at may core group na maski magpalit ng liderato, nariyan ang core grpup na mangangasiwa at nakakaalam ng corruption,” ani Lacson.

Pinuna rin ni Lacson ang aniya’y laro ng sindikato sa PhilHealth kapag may nag-iimbestiga hinggil sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

“Parang (ang laro ng sindikato), sinong maunang mapagod, parang ganoon. E sila, sige mag-imbestiga kayo ng mag-imbestiga makakalimutan `yan after 1 month. Kami tuloy lang kami siguro mag-lie low lang kami 2 buwan. `Pag nakalimutan ng tao, eto na naman kami,” sabi ng senador.

Mabuti na nga lang aniya at may ilang opisyal ang hindi nakatiis at ibinunyag ang hindi masikmurang katiwalian sa PhilHealth.

“Talagang dapat may drastic na remedial measures eh. Bukod sa structural, kasi systemic ang hinaharap na corruption dito. Pero hanggang walang nakikita ang nasa loob na makukulong, talagang hindi madadala. Kaya nilang lusutan eh,” sabi pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.