Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1st day ng ECQ: Taguig LGU namigay agad ng stay-at-home food pack

0 357

Sa unang araw ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig probinsya nitong Lunes, agad na sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay ng food packs sa bawat pamilyang Taguigeño.

Nagbahay-bahay ang mga miyembro ng Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team upang ipamigay ang sa 28 barangay sa Taguig ang mga ayuda nitong Lunes ng hapon.

Sa kabila ng patuloy na pagbukas ng mga tindahan ng pagkain pati ng mga grocery, restaurant para sa take-out at delivery services, siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas pa ng bahay at ma-expose sa banta ng COVID-19.

“Ngayong nuong linggo ay kailangan nating maging ligtas. Dito po muna tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, sa ating mga household, sa mga pamilya natin,” ani Mayor Lino Cayetano sa mga Taguigeño isang araw bago ang pagpapatupad ng ECQ.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Siniguro rin ni Mayor Lino sa mga residente na ang lokal na pamahalaan ng lungsod Taguig ay patuloy na magbibigay kalinga sa mga tao. “Sa aking mga kababayan, dito sa lungsod ng Taguig, patuloy po ang pangangalaga namin sa inyo. Bayanihan po tayo. Ang lungsod natin ay kilala sa pagkalinga at pag-aaruga ng isa’t isa.”

“The City Government will always be here for those who need it the most,” dagdag ni Mayor Lino.

Ang Taguig City stay-at-home food packs ay kumpletong magbibigay ng supply ng tatlo hanggang limang araw para sa pamilyang may limang miyembro. Kasama rito ang bigas, mga delata, kape, energy drink at hygiene/anti-COVID kit na may kasamang face masks, face shields, alcohol at sabon para masiguro na protektado ang mga tatanggap nito laban sa COVID-19 virus.

“Itong one week na ito ay makakatulong sa atin para lalong mapababa ang ating mga kaso sa lungsod. Ang Taguig ay patuloy na may lowest number ng active cases sa buong Metro Manila. At naniniwala ako, pag tayo’y nagtulungan, kaya rin natin babaan pa lalo,” saad pa ni Mayor Lino, dagdag pa nito na importanteng bahagi ito ng #RoadToZero campaign ng Taguig LGU.

Leave A Reply

Your email address will not be published.