Abante Tonite Interactive

1st K-Pop group sa Super Bowl target ng SuperM

0 174

Mula day 1 na inilunsad ang SuperM, nag-viral, nag-trending at nagna-number one sa mga music chart ang kanilang MTV at single.

Kung tutuusin, ilang buwan pa lang simula nang ilunsad sila sa America.

Noong November 26 episode ng “Night of Real Entertainment” ay na-interview ang SuperM. Tungkol ito sa ginagawa nilang promotion ng pagiging number 1 sa Billboard 200 with their debut album “SuperM – The 1st Mini Album”.

Sabi nga ni Kai, “I felt so happy. Everyone screamed on that day. I still can’t believe it when I think about that moment.”

Dugtong naman ni Baekhyun, “I think we were able to see that result because each of us has experience from promoting for a long time and there was a big synergy when the members got together.”

At sa future goal naman ng kanilang months old group, may pangarap daw silang ma-achieve.

“I don’t know if it can be achieved, but I wonder what it would be like to be the first [K-pop group] to perform at the Super Bowl.”

Sa ngayon, ang SuperM ay nasa North America para sa kanilang “North American Tour: The Future: Live” with upcoming concerts in San Diego, Los Angeles, San Jose, Seattle, and Vancouver.