Abante Tonite Interactive

2-0 ibibilad ni Black, Batang Pier nakaabang

By
1,086

Mga Laro Ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Meralco vs. GlobalPort
7 pm – Alaska vs. Rain or Shine

Pinatirik ang Columbian Dyip 116-103 noong Miyerkoles, balik sa Smart Araneta Coliseum ang Meralco para subukang kuryentehin ang pangalawang sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup.

Tatlong araw pa sa ospital ang import ng Bolts na si Arinze Onuaku dahil sa ‘bum stomach’ pero mula Cardinal Santos ay dumiretso sa Big Dome para pinturahan ang stat sheet ng 30 points, 19 rebounds, six assists, three steals at four blocked shots kontra two turnovers.

Babalik sa Big Dome ang Meralco mamaya para subukang kolektahin ang ikalawang sunod na panalo at early lead laban sa GlobalPort na magtatangkang bumawi mula sa 128-114 loss sa TNT KaTropa sa opener noong Linggo.

“Judging by GlobalPort’s game versus TNT, it’s important that we come out ready to play and match their physicality,” ani Bolts coach Norman Black. “They are a big, strong team so we must control our defensive boards and limit their se­cond chance points.”

May isang araw na pa­hinga si Onuaku para mag-recharge.

“I’ll get some rest and get some extra hydration,” pahayag ni Onuaku paglabas ng dugout. “I only got one more day (to rest) and I’ll try to do it again.” (Vladi Eduarte)