Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2.3M dropout pinasaklolohan sa DepEd

0 51

Pinatutulungan ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) ang nasa 2.3 milyong estudyante na hindi umano naka-enroll sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Senate committee on basic education, arts, and culture, hinikayat ni Gatchalian ang DepEd na tugunan ang isyu ng mga hindi nag-enroll na mga mag-aaral dahil magreresulta aniya ito sa permanenteng dropout.

“We consider this 2.3 million as dropouts. What we do not want to happen is to have permanent dislocation of children. Instead of studying, they would just permanently go to work,” sabi ni Gatchalian.

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Jess Mateo, na maaaring mag-enroll ang `missing’ student sa Alternative Learning System (ALS) ng kagawaran subalit depende pa rin aniya ito sa desisyon ng kanilang mga magulang.

Samantala, pinatitingnan din ni Gatchalian sa DepEd ang aniya’y nakababahalang 30% na pagbagsak ng enrollment sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang pagbaba ng enrollment ay dahil sa epekto sa kabuhayan sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.