Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2.4K protocol pasaway pinosasan

0 75

Iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mula Hunyo 7 hanggang 13, kabuuang 2,417 katao sa buong bansa ang sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa health protocols na ipinaiiral ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Sa isang pre-recorded Cabinet meeting kay Pang. Rodrigo Duterte, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na ang mga ito ay kabilang sa kabuuang 67,629 health protocol violators na naaresto nila nitong nakalipas na linggo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa naturang bilang, 51,607 ang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, 426 sa pagdalo sa mass gathering, at 15,596 para sa hindi pagpapanatili ng physical distancing.

Sinabi rin ng kalihim na ang mga barangay kapitan sa Matabungay sa Lian, Batangas, at Kasambagan sa Cebu City ay iniimbestigahan na ngayon dahil sa mga ulat ng mass gathering sa nasasakupan ng mga ito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.