Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2.4M batang Pinoy delikado sa tigdas – DOH

0 148

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na nasa 2.4 milyong kabataang Pilipino ang posibleng tamaan ng tigdas kung kaya’t target nilang mabakunahan ang mga ito.

“Kapag tiningnan po natin iyong ating datos, ang nakalagay po sa amin 2.4 million na mga bata na nagkukulang o vulnerable sila ngayon para magkaroon ng tigdas. So iyan po iyong target natin ngayon sa buong bansa,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handang briefing nitong Sabado.

Ayon kay Vergeire, dumarami ang bilang ng mga batang nanganganib na tamaan ng tigdas kaya hinimok nito ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na isang taong gulang pababa.

Sa ngayon aniya, bumaba na sa 50% ang bilang ng mga batang nabakunahan nila sa buong bansa.

Nakatakdang ilunsad ng DOH ang supplemental immunization activity nito sa Oktubre 26 at magpapatuloy ito hanggang sa susunod na taon. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.