Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 aktres buntis

0 519

Dalawang kilalang babaeng personalidad ang napapabalitang “nakalunok ng pakwan” ngayon. Pareho silang produkto ng mga kilalang pamilya sa showbiz.

Si Actress A ay hindi na kabataan, nagkakaedad na siya, nauugnay ang kanyang pangalan sa isang hunk actor na produkto ng isang reality show sa istasyong pinaglilingkuran nila.

Si Actress B naman ay bata-bata pa, kilalang-kilala ang kanyang mga magulang sa lokal na aliwan, ang itinuturo namang diumano’y ama ng kanyang ipinagdadalantao ay ang kanyang boyfriend na aktor.

Napapabalita pa lang naman ang kanilang sitwasyon, wala pang nakatitiyak kung ang isyung pinag-uusapan nang pabulong tungkol sa kanila ay totoo, hindi naman ‘yun habampanahong maikukubli kung may katotohanan nga.

Sabi ng isang impormante tungkol kay Actress A, “Parang hindi kapani-paniwalang preggy ngayon ang girl. Parang late na siya sa biyahe ng pagkakaroon ng anak.

“Parang delikado na siyang magdalantao sa age niya ngayon. Di bale, meron na naman siyang anak sa unang relasyon niya,” sabi nito.

Isang source naman ang nagkomento tungkol kay Actress B, “Hindi imposibleng mangyari ang sinasabing sitwasyon niya ngayon. Palagi kasi silang magkasama ng boyfriend niya.

“Open na open na ang relasyon nila, wala naman silang idinedenay, tanggap naman sila ng kani-kanilang pamilya. At kung totoo ngang preggy ang girl, suwerte niya, dahil napakaresponsable ng boyfriend niya.

“Kayang-kayang panindigan ng male personality ang pagkakaroon nila ng baby, sa totoo lang, masipag siya at responsable sa sarili niyang pamilya,” madiing sabi ng impormante.

‘Yuuunnn!

SM food to go Banner Ad

Noranian hirap bumili ng tiket

Isang napakalaking karangalan para kay Charlie Dizon ang pananalong Best Actress sa gabi ng parangal ng MMFF.

Bukod sa tinanggap nitong tropeo bilang pinakamahusay na aktres sa pagbibida sa “Fan Girl” ay magiging malaking inspirasyon para sa kanya ang “pagpapatumba” kina Nora Aunor at Sylvia Sanchez.

Parehong nagpakita ng husay sa pagganap sina Nora at Ibyang, walang kuwestiyon sa kanilang pag-arte, nagkataon lang na napakaganda ng papel na ginampanan ni Charlie Dizon sa “Fan Girl.”

Nabigo ang mga tagasuporta ng Superstar. Malayo pa ang gabi ng parangal ay asang-asa na sila na miuuwi na naman ng kanilang idolo ang tropeo bilang Best Actress.

Napakahusay naman talaga ni Nora sa “Isa Pang Bahaghari,” hawak pa rin niya ang paglalarawang mata pa lang niya ay umaarte na kahit walang dayalog, hindi kinukuwestiyon ang kagalingan sa pag-arte ng Superstar.

Kaya lang, kumbaga sa sapatos, ay gasgas na ang suwelas ng istoryang pinagbidahan ni Nora Aunor. Paulit-ulit na ang kuwentong nagkahiwalay nang ilang dekada ang mag-asawa, nang magbalik ang ama ay matinding galit at panunumbat ang isinalubong sa kanya ng mag-iina, ilang beses na ba nating napanood ang ganu’ng takbo ng istorya?

“Fan Girl” din ang nangunguna sa birtuwal na bilihan ng ticket, malaking ayuda ang ibinigay sa pelikula ng mga milenyal, samantalang hirap na hirap naman sa paraan kung paano makabibili ng tiket ang mga loyalista ng Superstar.

Karamihan sa kanila ay may edad na, hindi rin sila tutok sa mga gadget na makapagtuturo sa kanila kung paano ang bentahan ng tiket, talagang mapag-iiwanan sila.

Pero hindi pa rin nangangalawang ang pagganap ni Nora Aunor, kapansin-pansin din na lumalabas na ang kanyang boses, hindi tulad nu’n na pasigaw na siyang nagdadayalog ay parang bumubulong pa rin at humihingal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.