Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 aktres ‘di pinapasok ni esmi sa burol ng male personality

0 190

Hindi lang pala ang makasaysayang si madam ang hindi nakapasok sa burol ng isang pamosong namayapang male personality. May dalawang female personalities pa palang kasali sa bilang.

Nagtangka rin palang dumalaw sa lamay ang dalawang kilalang babaeng personalidad pero nang malaman ‘yun ng misis ng namayapang aktor ay nasakote ang kanilang plano.

Kuwento ng aming impormante, “Nagtaka nga rin ang mga nasa burol kung bakit hindi puwedeng papasukin ‘yung dalawang aktres. Bakit daw, e, mukhang wala naman silang alam na dahilan?

“Matindi ang dahilan ng wife, alam niya na ang lahat. Bago raw kasi nawala ang husband niya, e, sinabi sa kanya ang lahat-lahat. Kasama sa mga sinabi ng husband ang dalawang aktres na sisilip sana sa lamay.

“Isa lang ang dahilan ng misis ng yumao, ‘Naki-share na sila sa akin nu’ng buhay pa ang asawa ko, kaya ngayong wala na siya, sasarilinin ko na lang siya!’

“Hindi pinayagang makapasok si Actress A, si Actress B naman, e, maparaan. Nu’ng mismong libing, nu’ng nag-alisan na ang lahat ng mga naghatid sa huling hantungan kay ____(pangalan ng namayapang sikat na aktor), e, nakakita siya ng paraan para makadalaw.

“Nagtaka ang mga sepulturero, may isang babaeng iyak nang iyak sa harapan ng puntod ng sikat na aktor, nu’ng sipatin nila kung sino ang maputing babaeng umiiyak, si ____(pangalan ni Actress B) pala ‘yun!

“Dahil hindi nga siya pinayagang makapasok sa chapel, e, naghintay na lang siya ng chance. Ayun! Nu’ng wala na ang mga nakipaglibing, siya na ang umeksena!

“Cry me a river siya sa puntod ng sikat na aktor! Nakilala siya ng mga sepulturero, talagang iyak kuno nang iyak ang sexy actress,” kuwento pa ng aming source.

Nakakaloka nga ang kuwentong ‘yun, talagang nagbantay-sarado ang wife ng pamosong aktor para hindi makapasok sa burol ang mga babaeng nakahati niya sa puso ng mister niya, pasensiyahan na raw.

Super Tekla kakambal ng kahalayan

Nararamdaman na ngayon pa lang ni Super Tekla ang bangis ng paghusga ng publiko dahil sa mga rebelasyong ibinuyangyang ng kanyang ka-live-in na si Michelle Bana-ag.

Minarkahan na kasi ng mga kababayan natin ang komedyante. Idinikit na sa kanyang imahe ang kuwento ng ina ng kanyang anak na kapag ayaw nitong makipag-sex sa kanya ay nagbabayubay na lang si Super Tekla.

At hindi lang basta ganu’n, tinatawag siyang Tilamsik King ngayon dahil sa rebelasyon ni Michelle na kapag dumarating na siya sa sukdulan ay pinatatalsik niya ang katas sa kanyang anak, pati kay Michelle.

Aminado si Super Tekla sa kanilang vlog ni Donita Nose na hindi siya makalabas, ni hindi siya makabili ng pagkain, dahil parang ang iniisip ng mga nakakakita sa kanya ay titilamsikan din sila ng komedyante.

‘Yun ang tinatawag na stigma na mahihirapang alpasan ni Super Tekla kung ilang taon lang ang pag-uusapan. Kakambal na niya ang mahalay na taguring ganu’n dahil sa mga kuwentong nilitanya ni Michelle.

Samantala, bumitiw na sa kanyang pagtulong kay Michelle Bana-ag ang walang inuurungang broadcaster na si Raffy Tulfo, matapang pero mapuso ang news anchor.

Napakalakas kasi ng loob nitong maghamon, kahit daw nagkaayos na sila ni Super Tekla ay itutuloy pa rin nito ang pagsailalim sa proseso ng lie detector test at DNA drug test sa pamamagitan ng hair follicle, pero bigla itong umurong.

Ayaw na raw ng kanyang tiyahin dahil mabibinat ito, kapapanganak pa lang daw ng nakahiwalay na ka-live-in ni Super Tekla, makakaapekto raw sa kanya ang DNA drug test.

Du’n na bumitiw si Raffy Tulfo, napakatapang maghamon ng babae, pero bigla naman palang uurong. Malinaw ang dahilan, sabi ng sikat na broadcaster, mabubuking sa DNA drug test na gumagamit pa rin ng droga si Michelle Bana-ag.

Lumipad sa hangin ang lahat ng tulong na ipinangako ng news anchor kay Michelle, lumuha man ito ng dugo ay hindi na ito tutulungan ni Raffy Tulfo, ‘yun ang kinauwian ng kapalaran ng babae.

Leave A Reply

Your email address will not be published.