Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 aktres tinikman ang bagets aktor

0 121

Kumpleto ang mga detalye ng kuwento ng aming source pero kahit pa siguro namin pilipitin ang kanyang leeg ay hndi ito magbibigay ng kahit anong clue tungkol sa dalawang babaeng personalidad na minsang nag-trip para makasiping ang isang dating napakaguwapong bagets actor.

Nakakaloka ang kuwento, halinhinang pinagtripan ng dalawang female personalities ang guwapong bagets, walang emosyon kundi init ng katawan lang.

Kuwento ng aming impormante, “Magkatropa ang dalawang babae, sanggang-dikit sila, they have something in common. Mahilig silang uminom, ‘yun ang common denominator nila.

“Kapag lasing na lasing sila, du’n na nila nabubuo ang mga kalokahang gusto nilang gawin. Trip-trip lang, ganu’n lang, basta lang!” pasakalyeng kuwento ng aming source.

Kasikatan naman nu’n ng isang guwapong bagets aktor, maraming kinikilig sa bagets, kahit saan magpunta ang yong actor ay todo ang pagkakagulo sa kanya lalo na ng mga becki at kababaihan.

Patuloy ng aming source, “Sa isang drinking session ng magkaibigang aktres, e, naisip nila, napaka-yummy ng bagets actor, why not, coconut?

“Gumawa sila ng paraan para makasama ang bagets, si Actress A muna ang umariba. Talagang gumawa siya ng paraan para makapagsolohan sila ng bagets!

“E, hindi pa naman masyadong matanda nu’n si Actress A, masabaw pa, sabi nga ng mga kalalakihan, kaya go for gold naman si bagets!

“Pagbalik nila sa grupong nagnonomo-nomo, ang bagets, parang pagod na pagod! Ang girl naman, parang namumula ang hasang! Nagtagumpay si Actress A!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Natural, nagkuwento si Actress A kay Actress B, nang-inggit ito, kaya papayag ba naman ang girlash na hindi rin niya makasama sa paglipad sa langit ng kaligayahan ang bagets actor?

Sabi uli ng aming impormante, “Nangyari naman ‘yun sa isang party, nomo-nomo ang mga guests, du’n naganap ang milagro sa pagitan nina Actress B at ng bagets actor!

“Ganu’n nila pinagtripan ang bagets actor. Nakakaloka, dahil after a few months, naging anak pa nilang dalawa sa magkaibang movie si bagets!

“Very visible pa rin sa mga teleserye ngayon ang dalawang babae, pero nadagdagan na ang edad nila, sanggang-dikit pa rin silang dalawa hanggang ngayon!

“At magagaling silang umarte!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source na ayaw magbigay ng clue tungkol sa dalawang aktres.

Claudine nakunsensya kay Rico

Hanggang ngayon ay nililigalig pa rin si Claudine Barretto tungkol sa pagkawala ni Rico Yan. Hindi pa rin siya nakalalabas sa hawla ng kalungkutan at pagsisisi.

Sa kanyang mga panayam ay palagi pa ring lumilitaw ang pangalan ni Rico Yan bilang dakilang pag-ibig ng aktres. Hindi pa rin siya nakapagmu-move-on.

Natatandaan pa namin ang balitang sumabog nu’ng Mahal Na Araw, March 28, 2002, natagpuang patay ang aktor sa isang hotel sa Palawan.

Iniyakan ng buong bayan ang pagkawala ni Rico Yan, kasagsagan ‘yun ng karera ng aktor, galit na galit ang kanyang pamilya kay Claudine.

Ang ipinagtataka lang ng mga kababayan natin ay kung bakit hanggang ngayo’y binabanggit-banggit pa rin ng aktres ang pangalan ni Rico samantalang magkarelasyon na sila nu’ng mga panahong ‘yun ni Raymart Santiago.

Nang pumutok ang nakalulungkot na balita ay nasa bahay ng kanyang mga magulang si Claudine, kasama niya du’n si Raymart, sa kanya mismo nanggaling ang kuwentong nagluluto sila ng barbecue nang matanggap niya ang balita.

Nagkakaisang opinyon ng marami ay hindi bibig lang ni Claudine ang nagtutulak sa kanya para laging banggitin ang pangalan ni Rico Yan. Dikta ‘yun ng kanyang kunsensiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.