Abante Tonite Interactive

2 anak ng jail warden timbog sa buy-bust

308

Arestado ang magkapatid na tulak ng iligal na droga na anak umano ng isang Jail Warden matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon nang umaga sa Barangay Carmen, Cagayan De Oro City.

Kinilala ang magkapatid na suspek na sina Gregor Tagarda alyas Greg, nakuhanan ito ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang P100,000 at Bonclinto Tagarda, na nakuhanan naman ng 5 sachet ng shabu na may halagang P68,000.

Ayon kay PDEA Region 10 Director Wilkins Villanueva, ang nadakip na magkapatid ay anak ni Misamis Oriental Provincial Jail Warden Dominador Tagarda.

Sa ulat ng PDEA Region 10, alas-5:30 ng umaga nang ikasa ang buy-bust operation laban sa magkapatid na Tagarda sa Gumamela Ext., Brgy. Carmen ng nasabing lungsod.

Isang poseur buyer ang ginamit ng PDEA at kumuha ng shabu sa magkapatid.

Nang magpositibo ito ay agad na dinakip kung saan nakuha ang nasabing halaga ng shabu sa kanilang posesyon.

Ayon pa kay Villanueva, alam sa lugar ang iligal na gawain ng magkapatid. (Edwin Balasa)