Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2-anyos dedbol sa nalunok na kendi

0 174

Patay ang dalawang taong gulang na lalaki matapos malunok nang buo ang isang jelly candy sa Mati City, Davao Oriental.

Ayon sa ulat, pumanaw ang batang si Ash noong Miyerkoles, Abril 28.

Nasa trabaho raw noon ang ina ng bata na si Kristine Cercado sa bayan ng Baganga at iniwan ang bata sa kanyang lola.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ani Cercado, tumawag sa kanya ang ina, umiiyak at sinabing nabulunan ng candy ang bata.

Natanggal naman daw ang kendi na bumara sa lalamunan ng bata at kinausap pa ito ng kanyang ina habang nasa emergency room ng isang ospital ngunit bago mailipat sa ward, hindi na aniya humihinga ang bata. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.