Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2-anyos nilamon ng irigasyon

0 84

Isang 2-anyos na bata ang nasawi matapos malunod sa irigasyon sa bahagi ng Barangay Antonino, Alicia, Isabela noong Huwebes ng umaga.

Sa report ng Alicia Police Station (APS), naganap ang insidente alas-8:05 ng umaga sa isang irigasyon sa nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, naglalaba umano ang nanay ng biktima at nakikipagbiruan ang 2-anyos na anak.

sa kanilang kapitbahay nang tumakbo ito patungo sa likod ng kanilang bahay malapit sa irigasyon.

Makalipas ang ilang minuto, hinanap ng ina ang di pa bumabalik na anak.

Nang hindi nakita, humingi ng tulong ang mga kaanak sa rescue team hanggang sa makita ang katawan ng bata na lumulutang sa tubig ng irigasyon.

Itinakbo agad ito sa ospital ngunit dead on arrival na.

Napag-alaman na walang bakod sa likod ng bahay ng biktima pababa ng irigasyon at posibleng nadulas ang bata at swak sa ilog. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.