Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2-anyos patay sa COVID

0 310

Pumanaw ang 2-taong gulang na batang babae na tinamaan ng COVID-19, ayon sa Baguio City-Public Information Office (BC-PIO) noong Martes.

Sa ngayon, nakapagtala na ang lungsod ng 8 bagong kaso ng COVID-19. Kaugnay nito, sumampa na sa 189 ang total confirmed case dito. Sa nasabing bilang, 74 ang aktibong kaso, 6 ang pumanaw, at 109 na ang naka-recover.

SM food to go Banner Ad

Sa report ng Baguio local government unit mayroong mahigit 4,300 na residente nila ang sumasailalim sa 14-day quarantine. Mahigit 19,400 naman na residente ang nakatapos na ng 14 na araw na quarantine.

Nakapagsagawa rin dito ng mahigit 30,500 swab test at mahigit 9,000 na rapid diagnostic test. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.