Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2-anyos tinangay ng sapa

0 32

PATAY ang isang 2-anyos na batang lalaki matapos malunod sa isang sapa sa Barangay Tocok, San Fabian, Pangasinan, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng San Fabian Police Station (SFPS) ang biktima na si JP S. Pereras, ng nasabing barangay.

Sa report, ayon sa SFPS, nangyari ang insidente, alas-6:02 ng gabi sa sapa malapit sa bahay ng biktima.

Ayon sa pulisya, sinabi ng nanay ng biktima na si Jeaneath Pereras, naglalaro ang kanyang anak (JP) at ilang minute lang, sinabi ni Jeaneath na bigla na lamang nawala ang biktima.

Sa kanyang paghahanap, nakita ng ilang mga residente na lumulutang na ang katawan ng bata.

Paniwala ng SFPS, na pumunta ang bata sa gilid ng sapa at nadulas sanhi ng kanyang pagkakalunod. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.