Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 araw na bakunahan sa mga bata ilalarga

0 86

Magkakasa ang Department of Health (DOH) ng dalawang araw na pagbabakuna para sa mga bata laban sa iba’t ibang sakit.

Ayon kay Undersecretary Abdullah Dumama, isasagawa ang ‘Chikiting Bakunation Days’ sa Mayo 26 at Mayo 27.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ‘Talk to the People’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Mayo 23, sinabi ni Dumama na layon ng ‘Chikiting Bakunation Days’ na maturukan ang mga batang edad 2 pababa laban sa mga sakit tulad ng Hepatitis B, polio, measles, mumps at rubella.

Nasa 80 porsiyento ng mga batang hindi nabakunahan noong Pebrero ang target umano ng DOH. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.