Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 babae kinorner sa P300K shabu

0 179

Arestado ang dalawang babae na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos mahulihan ng aabot sa 45 gramo ng shabu na nagkakahalagang P306,000 sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina Police, kamakalawa ng gabi sa Barangay Geronimo, Montalban, Rizal.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na sina Gina Arellano y Borda, 31, at Jennelyn Hernandez y Estrella, 32-anyos, kapwa ng Montalban, Rizal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inaresto ang dalawa ng pinagsanib na puwersa ng station drug enforcement unit (SDEU) ng Marikina Police sa pangunguna ni PLt. Antonio Balois at PDEA matapos ang transaksyon sa pagitan ng buyer at mga suspek na nagkasundong magkita sa bahay ni Arellano para bumili ng shabu alas-6:00 Biyernes ng gabi.

Nakumpiskahan ang mga suspek ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at shabu paraphernalia; P2,000 pera at 28 piraso ng P1,000 buy bust money. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.