Abante Tonite Interactive

2 babae, lalaki huli sa akto

By
0 257

Tiklo ang dalawang babae at isang lalaki nang maaktuhang nagbebenta ng droga sa buy-bust operation ng pinagsanib na puwer­sa ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police at Regional Drug Enforcement Unit National Capital Region Police Office sa isang compound sa lungsod kamakalawa.

Kinilala ni Southern Police District Director Senior Supt. Eliseo Cruz ang nadakip na sina Pamela Arroyo, 29, Marilou Santos, 32 at Ricardo Nalo, 32, pawang residente ng Mayuga Compound, Las Piñas City.

Sa report ng Las Piñas City Police, alas-sais nang gabi nang ikasa ang buy-bust operation matapos maitimbre ang bentahan ng droga kaya isa sa mga pulis ay nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P10,000 halaga ng droga sa tatlo kaya nadakma ang mga ito.

Narekober sa tatlo ang 6 na plastic sachet ng shabu bukod sa dalawang slot machine na hinihinalang ginagamit din ng mga suspek sa illegal gambling.