Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 babae sinaksak ng basag na bote

0 262

Sinaksak sa ulo, baba at balikat ng basag na bote ang dalawang babae ng isang babae na kaaway ng isa kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa kasong Attempted Homicide at Slight Physical Injuries sa Manila City Prosecutors Office ang suspek na si Roseann Arellano, 23, ng Tondo.

Nakalabas naman na sa Tondo Medical Center sina Monica Vivar, 29, dalaga, na sinaksak ng bote sa ulo at balikat; habang nagkasugat sa baba si Wency Gomez, 25, may-asawa.

Ayon sa Manila Police District- Police Station 7, naganap ang pananaksak dakong alas-10:30 ng gabi.

Pabalik na si Vivar sa mga kaibigang sina Gomez at Melanie Ocampo, 27, matapos bumili ng pagkain nang harangin siya ng isang motorsiklo sakay ang suspek.

Pinukpok ng basag na bote ng suspek si Vivar. Tinangkang umawat ni Gomez pero maging siya sinaksak.

Nabatid na matandang alitan ang ugat ng insidente kung saan pinaghahanap ngayon ang tumakas na suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.