Abante Tonite Interactive

2 babae timbog sa pekeng pera

323

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3 ang dala­wang babae matapos mamukhaan ng negosyanteng binilhan nila ng stickee wall decor gamit ang mga pekeng pera kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakadetine ngayon sa himpilan ng pulisya ang suspek na sina Myla Gudal, 36 at Norhaina Mantil, 24, negosyante (buy and sell).

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, naghain ng reklamo si Liberty Celis, 48, taga-Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na alas-siyete ng gabi nitong Disyembre 6 nang arestuhin ang mga suspek sa puwesto ng complainant sa Evangelista St., Sta. Cruz, Maynila.

Nalusutan umano ng pekeng pera ang biktima at sa pangalawang pagkakataon ay tinangka na namang bumili sa kanya ang mga suspek ng sticker wall decor.

Dahil namukhaan at pinagdudahan ang ibinabayad na pera ay isinuplong niya ang mga ito sa pulisya.

“Yang 2 babaeng Muslim ay tinangka na bumili ng sticker wall decor ­using fake money, e natandaan sila ng biktima kaya nahuli ng tropa,” ayon kay Magdaluyo.

Nakumpiska sa dalawa ang kabuuang P12,000.00 na may denominasyong P50, P100, P200. at P500. Bill. (Juliet de Loza-Cudia)