Abante Tonite Interactive

2 babaeng opisyal nag-isnaban sa event

290

Mistulang dinala raw ng dalawang elected lady official ang kanilang away-politika sa isang mahalagang event sa buhay ng kanilang malapit na kaibigan.

Agaw pansin daw kasi sa okasyon ang pag-iisnaban ng dalawa bagama’t pareho ang kanilang katungkulan sa sagrado pa namang sakramento.

Naging obvious daw kasi talaga ang pag-iiwasan ng da­lawa dahil lahat ng nasa lugar ay kapwa nila pinapansin bukod na lamang sa isa’t isa.

Mukha pa nga raw nagpatalbugan ng kanilang kaseksihan ang dalawang opisyal na sa kabila ng kanilang edad ay inilabas pa rin ang hubog ng kanilang mga katawan sa kanilang long and sexy gowns.

Naghiwalay pa raw ng puwesto ang dalawa kahit maaari naman silang magtabi.

At lalo pang na-obvious ang pag-iis­naban ng dalawa nang hindi na pumunta pa ang isa sa mga opisyal sa karugtong na event.

Clue: Ang ating mga bida ay kapwa may letrang I sa kanilang mga pangalan as in Imbyerna sa isa’t isa.