Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bagets nairita sa vape, kinatay tropa

0 66

Dedbol ang isang lalaki nitong Sabado sa Lupon, Davao Oriental nang pagtulungang gulpihin at saksakin ng dalawang binatilyo matapos mairita ang huli dahil sa usok ng vape ng nauna.

Kinilala ang biktima na si Vincent Sumaoy, 27-anyos, residente ng NHA, Brgy. San Antonio, Agdao, Davao City.

Samantala, ang mga suspek naman ay kinilalang sina alyas Mik-mik, 16; at alyas Ago, 17.

Ayon sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang mga suspek kasama ang biktima at iba pang kalalakihan, Sabado, sa isang birthday party sa Quezon St., Brgy. Poblacion ngunit na-bad trip sina Mik-mik at Ago sa usok ng vape ni Sumaoy.

Dahil dito, pinagbubugbog ng mga menor de edad ang biktima saka pinagsasaksak ng patalim.

Dinala pa sa Davao Oriental Provincial Hospital si Sumaoy ngunit dahil sa malalang kondisyon ay inilipat sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City kung saan siya idineklarang dead on arrival dahil sa mga saksak sa katawan.

Tumakas ang dalawang kabataan matapos ang pangyayari ngunit binagabag ng konsensya at sumuko rin sa Lupon Municipal Police Station. Nahaharap sila sa kasong murder. (Edwin Balasa/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.