Abante Tonite Interactive

2 bagets sumalpok sa dump truck, namatay

By
2,489

Nasawi ang isang 14-anyos na binatilyo habang malubhang nasugatan ang kasama niyang babae na menor de edad rin makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang dump truck sa national highway ng Brgy. Rizal, Santa, Ilocos Sur.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang biktima na si Leslie Dante Bello Jr., grade 10, ng Bulag Centro, Bantay ng nasabing lalawigan.
Samantala, isinugod sa ospital ang back ride ni Bello na si Rica Margareth Tabangin, 13-anyos, grade 9.

Ayon sa report, paliko sa isang bahagi ng national highway ang Isuzu mini dump truck ng pamahalaang lokal ng Santa na minamaneho ni He­rald Peralta, 41-anyos, nang biglang sumulpot ang motorsiklo.

Tuloy-tuloy na sumalpok ang mga biktima sa dump truck.

Sa lakas ng impact ng salpukan ay nagtamo ng malalalim na sugat si Bello. Inoobserbahan naman nga­yon si Tabangin sa ospital dahil sa grabeng sugat sa katawan.

Dinala si De Pe­ralta sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injury. ­