Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bagong LRT-2 station sa July 5 bubuksan

0 87

Inurong sa July 5 ang pagbubukas ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 East Extension, ayon sa anunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) nitong Lunes.

Unang itinakda ang pagbubukas ng mga istasyon sa Marikina at Antipolo noong Hunyo 22 ngunit inurong ito sa susunod na buwan.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa LRTA, may ilan pang dapat ayusin ang contractor ng dalawang istasyon kaya inurong ang pagbubukas ng mga ito sa publiko. Kailangan pa umanong ayusin ang signaling system sa dalawang bagong istasyon.

Sa pagdagdag ng dalawang istasyon ay magiging 40 minuto na lamang ang biyahe mula Recto sa Maynila hanggang Antipolo City sa Rizal. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.