Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bagong Monetary board niluklok

0 275

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si V. Bruce J. Tolentino bilang Monetary Board member, ang mga taong naghuhubog ng patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, itinalaga din ni Pangulong Duterte si Anita Linda Aquino bilang miyembro ng Monetary Board.

Si Tolentino ay dating deputy director general ng International Rice Research Institute at chief economist at country representative sa Asia Foundation. Dati rin siyang senior economic policy adviser sa Asian Development Bank.

Si Aquino naman ay nagsilbing chief of staff ni Finance Secretary Carlos Dominguez III at dati rin siyang director sa Philippine Deposit Insurance Corp. Bago siya pumasok sa gobyerno, nagtrabaho din siya sa Standard Chartered Bank, RCBC, at Citibank. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.