Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bagong rampa ng Skyway Stage 3 binuksan na

0 64

Maaari nang madaan ng mga motorista ang dalawang bagong rampa ng Skyway Stage 3 ng San Miguel Corp (SMC) sa Quezon City.

Binuksan kahapon ang mga bagong rampa na kinabibilangan ng A. Bonifacio northbound off-ramp, bago mag-Cloverleaf Mall sa Balintawak at ang E. Rodriguez southbound off-ramp sa Araneta Avenue, na nagbibigay ng access sa España Boulevard.

Ayon kay SMC President at chief operating officer Ramon Ang, sa pagbubukas ng mga bagong rampa, ang mga sasakyang mula sa Alabang, Parañaque, Las Pinas, Pasay, at Makati ay hindi na kinakailangan pang dumaan sa EDSA upang makarating sa Balintawak.

Samantala, ang mga magmumula naman sa NLEX patungong Quezon City ay maaaring dumaan sa Skyway 3 upang makarating sa E. Rodriguez Avenue.

SM food to go Banner Ad

Kaugnay nito, inihayag rin ng SMC na ilan pang access points na nakatakda nilang buksan sa mga susunod na araw ay ang (Northbound) Quirino Entry, Nagtahan Entry, Nagtahan Exit, E. Rodriguez Entry at C3 Exit, gayundin ang (Southbound) C3 Entry, C3 Exit, A. Bonifacio Entry, Plaza Dilao Exit at Nagtahan Exit.

Sa kasalukuyan ang mga existing at operational access ramps naman ng Skyway 3 ay kinabibilangan ng (Northbound) Buendia (Zobel) Entry, Quezon Ave. Entry, Quirino Ave. Exit, Quezon Avenue Exit, A. Bonifacio Exit, at Balintawak Exit, gayundin ang (Southbound) Balintawak Entry, Quezon Avenue Entry, Plaza Dilao Entry, Quezon Avenue Exit, E. Rodriguez Exit at Buendia (Zobel) Exit.

Ipinaliwanag naman ni Ang na naantala ang completion ng Skyway 3 dahil sa ilang suliranin sa right-of-way.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa iniaanunsiyo ng Toll Regulatory Board (TRB) ang inaprubahan nilang toll rates para sa Skyway 3. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.