Abante Tonite Interactive

2 bagong suspek sa Maguindanao massacre lilitisin ngayon

124

Lilitisin ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang dalawang naarestong panibagong suspek sa Maguindanao Massacre ngayong Martes, Enero 21.

Ang arraignment laban sa mga bagong suspek na sina Kagi Faizal alyas Faizal Baga Dimaukom at Gambayan Kasim alyas Lori Alip ay gaganapin sa Quezon City Hall of Justice, bandang alas-nuwebe ng umaga base na rin sa kautusan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Branch 221.

Si Faizal ay naaresto noong Enero 6 habang si Kasim ay noong Enero 9, na dating nakapiit sa Parang Municipal Police Station sa Maguindanao at inilipat sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Sina Faizal at Kasim ay kinasuhan ng 58 count ng murder, gaya ng mga isinampa laban sa pamilyang Ampatuan at iba pang police officer na umano’y mga sangkot sa pag-massacre sa Maguindanao noong Nobyembre 23, 2009. (Dolly Cabreza)