Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bahay sa Cavite pinagtripan sunugin

0 55

Pinosasan ang isang 30-anyos na lalaki nang tinangka niyang magsunog ng dalawang bahay sa Dasmariñas City, Cavite, Sabado ng hapon.

Kinilala ang naarestong suspek na si Randell Vergel dahil sa reklamo ni Arlyn Valencia, 21, ng Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas.

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo ng Dasmariñas Police, nagpapa­kain si Valencia ng kanyang mga alagang pusa sa labas ng kanilang bahay dakong alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang mapansin niya ang suspek na lumapit at may dalang plastic na bote na may lamang gas na itinapon nito sa bintana ng kanilang bahay kaya sumiklab ng apoy.

Nakita ito ng kanilang 15-anyos na kapitbahay at tinangkang apulain ang apoy habang ang isa pa nilang kapitbahay na si Murphy Cuerpo, 31, ay tinangkang harangin ang suspek nang muli itong magtatapon ng panibagong plastic na bote na may lamang gas sa isa pang bahay.

SM food to go Banner Ad

Nang tinangkang arestuhin si Vergel ay tumakas ito at sumakay ng isang pampasaherong jeepney.

Ilang barangay tanod ang dumating sa lugar at nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Tinatayang mahigit sa P30,000 ang halaga ng pinsala sa mga bahay na bahagyang nasunog.

Inaalam pa ang sanhi ng panununog ng suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.