Abante Tonite Interactive

2 bangkay bumulaga sa ilog

147

Magkasunod na lumutang ang isang lalaki at paslit sa San Juan River sakop ng Sta. Mesa, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, unang lumutang sa ilog ang paslit nasa edad 7-10, maiksi ang buhok, nakasuot ng kulay puting printed na t-shirt at walang suot pang-ibaba, dakong alas-3:02 ng hapon.

At kahapon ng alas-sais ng umaga, nakita ni Alfredo Abuan na nakalutang sa ilog ang bangkay ng isang lalaki tinatayang nasa edad 20-25 at nakasuot ng maong short pants.

Nakasakay si Abuan sa kanyang bangka nang makita ang lumulutang na bangkay at humingi ng tulong sa mga taong nasa barangay na siyang humila sa bangkay.

Nabatid na nagsisi­mula nang maagnas ang mga bangkay na kapwa dinala sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.