Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 bangkay lumutang sa Cagayan river

0 86

PATAY ang dalawang lalaki makaraang malunod sa ilog matapos maghugas ng sasakyan sa Echague, Isabela Sabado ng umaga.

Kinilala ng Echague Police Station (EPS) ang biktima na sina Christian Oydot, 18, at Mark Arellano, 21, parehong binata, kapwa taga Del Pilar, Alicia Isabela.

Ayon sa EPS, nangyari ang insidente alas-7:05 ng umaga kung saan nakita ang bangkay ng mga biktima sa Cagayan River sakop ng Gucab, Echague sa isinagawang search and rescue operation ng Echague Rescue Team (ERT).

Sa ulat ng pulisya, bago ang insidente, nagsagawa ng outreach program ang dalawa sa Sitio Matartarang, Brgy. Busilelao, Echague, Isabela.

Pagkatapos ay nagpasyang umuwi sina Oydot at Arellano at nang mapadaan sila sa ilog ay huminto ang mga ito para linisin lamang sana ang kanilang sasakyan.

Sa kuwento ng ilang nakasaksi, habang naglilinis ng sasakyan, lumusong sa ilog ang dalawa at naligo.

Sa hindi inaasahang pangyayari, napadpad ang dalawa sa malalim na parte ng ilog at doon sila ay nalunod. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.